Julia, Kapuso na?

Julia, Kapuso na?

September 5, 2022 @ 3:40 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Sina Xian Lim at Marco Gumabao ang dalawa lang sa dumaraming ABS-CBN stars na kontratado sa Viva Artists Agency.

Sina Xian at Marco ay napapanood na ngayon sa GMA.

Brace yourselves for another Viva artist na mula rin sa ABS-CBN na mapapanood na rin sa GMA.

At sino siya?

Walang iba kundi si Julia Barretto!

Si Julia ang maglalaro sa Bawal Judgmental segment ng Eat Bulaga on September 10, araw ng Sabado.

Bale promo na rin ito ng pelikula niyang Expensive Candy which is showing days later after her guesting.

Katuparan na rin ito ng wish ng kanyang mga fans na masilayan siya sa ibang network.

Kung matatandaan, last year ay naging celebrity player si Richard Yap in the same EB segment.

Prelude pala ‘yon sa kasado na niyang paglipat sa GMA.

Hindi kaya ganito rin ang mangyari kay Julia lalo’t there exists a partnership between GMA and Viva?

You never can tell… Ronnie Carrasco III