DMW: 47K OFW maaapektuhan sa partial deployment ban sa Kuwait

February 9, 2023 @5:12 PM
Views: 13
MANILA, Philippines- Inihayag ng Department of Migrant Workers (DMW) nitong Huwebes na 47,000 overseas Filipino workers (OFWs) ang posibleng aapektuhan ng partial ban sa deployment sa Kuwait.
Sinabi ni DMW Undersecretary Hans Leo Cacdac na halos 47,000 OFWs ang nagtungo sa Kuwait noong 2022 at parehing bilang ng mga manggagawa ang inaasahan na maapektuhan ng targeted ban.
Pansamantalang itinigil ng DMW ang pagproseso ng aplikasyon ng first-time Filipino domestic helpers papuntang Kuwait, kasunod ng pagpatay kay Ranara, ang OFW na iniulat na pinatay ng anak ng kanyang Kuwaiti employer.
âNakikita natin na around that, around that same figure ang potentially na sa loob ng isang taon ang maaapektuhan,â aniya sa isang public briefing.
Sinabi ni Cacdac na ikinasa ang temporary suspension wpara tiyakin na ligtas ang OFWs sa middle eastern country mula sa pang-aabuso,
Tanging deployment ng first-time domestic helpers ang hindi pinapayagan dahil mas delikado sila na maabuso at mahirapan sa pag-adjust sa bagong kapiligiran.
âNakikita natin na sila ang pinaka-vulnerable o potential na mahirapan sa adjustment pagdating sa Kuwait kaya pinagkaka-ingatan natin ang kapakanan nila,â paliwanag ni Cacdac.
âHindi muna natin sila papayagan pumunta sa Kuwait, hanggaât mayroong tayong kasiguraduhan sa maigting pa na proteksyon, mas pinagtitibay pa na mga probisyon ng standard employment contract,â dagdag niya,
Bukod dito, magsasagawa ang DMW ng mas maraming information at orientation campaigns oo seminars, hindi lamang para sa OFWs subalit maging sa employers sa Kuwait. RNT/SA
Saloobin ng LGUs sa karagdagang EDCA sites, pinakikinggan – AFP

February 9, 2023 @5:00 PM
Views: 16
MANILA, Philippines- Sinabi ng Armed Forces of the Philippines (AFP) nitong Huwebes na nakikinig ito sa ilang local governments na kumokontra sa posibleng pagtatatag ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA) site para sa US troops sa kanilang ga lugar.
âWe are actually listening to the statements and sentiment of our local government officials and we canât afford that these issues will divide us⊠We need the country to be united especially in the implementation of projects that will strengthen the capability of the Armed Forces or the country to defend itself,â pahayag ni AFP spokesperson Col. Medel Aguilar.
Inanunsyo ng Pilipinas at ng Estados Unidos nitong nakaraang linggo ang kasunduan na palawigin ang presensya ng American military, na magbibigay sa kanila ng access sa apat na bagong sites sa bansa sa pagtalakay ng dalawang panig sa mga aksyon upang tugunan ang destabilizing activities ng China sa rehiyon, partikular sa in West Philippine Sea.
Hindi pa inaanunsyo ng pamahalaan ang lokasyon ng apat na bagong EDCA sites. Nauna nang sinabi ng defense officials na nauna nang imungkahi ang Zambales, Cagayan, Isabela, at Palawan â na lahat ay nakaharap sa China, Taiwan, at sa Korean Peninsula â bilang karagdagang lokasyon.
Naghayag naman ng reserbasyon ang mga gobernador ng Cagayan at Isabela hinggil sa posibilidad.
Sinabi ng US na naglaan ito ng $82 million, o halos â±4.492 bilyon para sa proyekto.
Iginiit ni Aguilar na ang pagkakaroon ng karagdagang EDCA sites ay makatutulong sa pagpapaigting ng defense capability sa pamamagitan ng bilateral military training, bukod sa pagpapabuti sa disaster response.
âThere are guidelines on how the US forces can access these facilities and permission or authority will be given first by the Philippine government for them to use these,â paliwanag ni Aguilar. âThere are restrictions also which are of course guided by our existing laws and constitutional provisions, such as the non-use of nuclear materials that will endanger the lives of our people.â
Sinabi rin niya na magsisimula ang konstruksyon ng karagdagang sites kapag inanunsyo na ang lokasyon ng mga ito. RNT/SA
5 patay, 192 sapul ng gastro outbreak sa NegOr

February 9, 2023 @4:50 PM
Views: 22
NEGROS ORIENTAL âLima na ang nasawi habang nasa 192 katao kabilang ang mga bata na tinamaan ng gastroenteritis sa lalawigan ito.
Sa pahayag ni Acting Provincial Health Office (PHO) chief, Dr. Liland Estacion, ngayong araw (Huwebes) ang ikalimang nasawi ay mula sa Vallehermoso, Negros Oriental.
Sinabi ni Estacion na ang mga kaso ay nagmula sa Barangay Puan, na kung saan ang pinagkukunan nilang tubig ay kontaminado na naging sanho ng viral infections.
Aniya, ang naturang sitwasyon ay nakakaalarma na kailangan ng agaran lunas habang hinihintay ang resulta ng laboratoryo ng ipinadala na sample ng tubig mula sa barangay.
Agad naman namahagi ng pamahalaan panlalawigan sa 100 kabahayan o pamilya ng jerry cans at water filtration tablets at pinayuhan na rin ang mga residente sa Barangay Puan na umiinom ng tubig sa kanilang mga gripo na kailangan pakuluan ito para hindi na madagdagan pa ang mga nagkakasakit o tamaan ng virus infection at namahagi na rin ng hydration salts.
Sinabi ni Estacion na kumuha din sila ng rectal swabs para sa laboratory testing sa Cebu City upang matukoy ang pagkakaroon ng cholera.
Paliwanag pa ni Estaction na ang gastroenteritis ay isang pangkalahatang termino lamang para sa mga partikular na kaso tulad ng amoebiasis, kolera, at iba pang katulad na mga impeksyon, at ang mga pasyente ay nagpapakita ng mga sintomas tulad ng pagtatae at pagsusuka.
Ang ilang mga pasyente ay ipinadala sa ospital habang ang iba ay nagpapagaling mula sa bahay.
Dagdag pa ni Estacion na ang mga kaso ng gastro ay hindi nakukuha sa pagitan ng mga tao kundi sa pamamagitan ng kontaminadong pagkain o tubig. Mary Anne Sapico
Mag-ina, natusta sa sunog

February 9, 2023 @4:43 PM
Views: 34
MANILA, Philippines- Patay ang mag-ina matapos hindi makalabas sa nasusunog nilang kwarto na hinihinalang sadyang sinunog kaninang madaling araw sa lungsod ng Quezon.
Tumanggi ang Bureau of Fire Protection (BFP) na pangalanan ang mga biktima kung saan ang ina ay inilarawang nasa 40-anyos habang 17 hanggang 18-anyos na anak ay babae, dahil wala pa umanong clearance.
Batay sa ulat ng BFP, pasado alas-2 ng madaling araw (February 9) nang maganap ang sunog sa dalawang palapag na tahanan na matatagpuan sa 13-2 Avelino Alley Lt. J. Francisco, Brgy Krus Na Ligas, Q.C.
Ang tahanan ay pagma-may-ari ni Pepito Mente ngunit pinarerentahan niya ito.
Umabot lamang ng unang alarma ang sunog bago tuluyang naapula dakong alas-2:58 ng madaling araw.
Tumambad naman sa mga responder ang wala nang buhay na mag-ina sa loob ng kanilang kwarto, kung saan may anim na buwan pa lamang umano silang nangungupahan.
Inaalam pa ng BFP ang sanhi ng apoy, ngunit kabilang sa iniimbestigahan nila ay posibleng arson o sinadya ang sunog.
“Kakaiba po ang sunog na ito, iisang kwarto po siya at merong commotion … nandun yung bata, sinasabing nagsisigaw ng tulong at hindi mabuksan kasi naka-lock po nga, later on, siguro mga ilang minuto, nandun na nga, bigla na lang nagkaroon ng apoy at nagkaroon ng sunog doon,” ayon kay Fire Sr. Supt. Aristotle Bañaga.
Sa pagtaya ng mga awtoridad, aabot sa P24,000 ang halaga ng mga ari-arian na natupok sa sunog at ang silid lamang ng mga biktima ang naapektuhan nito. Jan Sinocruz
Educational tourism sa Pinas, Japan isinusulong ni PBBM

February 9, 2023 @4:40 PM
Views: 24