Julia, nagpakita ng cleavage, pinag-uusapan!

Julia, nagpakita ng cleavage, pinag-uusapan!

January 31, 2022 @ 11:04 AM 8 months ago


Manila, Philippines – Ginulantang na naman ni Julia Barretto ang fans n’ya sa latest beach pictorial n’ya na ipinost n’ya sa kanyang Instagram account. Naka-skimpy bikini siya na ‘yung top ay parang sadyang ipinapahiwatig na may cleavage na siya!

Mistulang tili ng headline sa isang dyaryong Ingles: “Julia flaunts bikini body at the beach.”

Sa mga gustong sipatin nang husto ang sexy body, simpleng @juliabarreto ang tag n’ya sa kanyang Instagram. May tatlong pictures siya ru’n at may bonus na litrato ng beach kung saan siya nag-pictorial.

Simpleng “Isla” lang ang caption ng post n’ya. Walang credit sa beach o kahit kanino man. Ibig sabihin, personal pictorial n’ya talaga ‘yon. Walang sponsors na kailangang pasalamatan.

Ni hindi ‘yon promo para sa pelikula n’ya sa Viva Films na ipinu-promote na ng kumpanya sa pamamagitan ng pagpo-post ng trailer ng pelikula na ang titulo ay “Bahay na Pula.”

Kung promo pictorial ‘yon, dapat ay kasama n’ya sina Xian Lim at Marco Gumabao na leading men n’ya, at mababanggit ang internationally acclaimed director nilang si Brillante Ma. Mendoza.

Malamang na may sexy shots din siya sa Bahay na Pula dahil ang seaside town ng Pola sa Mindoro island ang setting ng pelikula.

Mukhang proud na proud na siya na may cleavage na siya. Magtu-25 years old na si Julia sa March this year. Dati siyang flat-chested.

Oo nga pala, lagpas na ng 10 million ang followers n’ya sa Instagram. Danny Vibas