Julia, natutong gumiling at mang-akit!

Julia, natutong gumiling at mang-akit!

September 1, 2022 @ 12:39 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Pagkatapos lumabas amg kwentong nag-immerse si Julia Barreto sa isang red-light district sa Pampanga bago niya ginawa ang pelikulang Expensive Candy under Viva Films ay maraming Marites na ang nagtanong kung ano ang mga natutinan niya at na-discover.

“Naglakad-lakad kami sa mga night club sa Pampanga kasama si direk JPL (Jason Paul Laxamana). Tapos I saw a lady, a sex worker, sabi ko kay Direk, siya si Candy,” panimulang sabi ni Julia.

Si Candy ang character ni Julia sa Expensive Candy.

“There’s something about her na nakita ko si Candy sa kanya, may sarili siyang mundo.

First time kong pumasok sa ganu’ng lugar and definitely not the last.

“Tinuruan niya akong sumayaw at mang-akit,” sabi pa niya.

Hindi ba siya nagulat nang nalaman niyang may mga babae palang nagsasayaw ng all the way, na pwedeng i-table at ipasok sa VIP room?

“Hindi ako na-shock. I’m aware naman na even before. I’m not that sheltered naman kaya aware ako na may ganu’ng mga namgyayari sa mga ganu’ng place.”

Dahil sa pagiging daring ngayon ni Julia, are we going to expect a more daring Julia on the next film?

“More daring role? What kind of stories are you telling? Okay lang na mas daring pero dapat ‘yung kwento may objective sa mga manonood. The message of the movie, ‘yun ang most important

“Hindi na ako bata latanda na tayo nang latanda and no excuse for me to go out of my comfort zone,” paliwanag ng aktres.

Kumusta naman ang ambience sa set ng shooting ng Expensive Candy habang nakasuot siya ng sexy outfits?

“From the very beginning, sa look test pa lang, I wanted na makita ako ng lahat ng crew na ang suot ko sexy.

“Ayokong magkaroon ako ng awkwardness na mag-request ako na bawasan ang tao, na huwag akong tingnan. Palakad-lakad lang ako with my sexy outfit hanggang sa nasanay sila,” natatawa niyang kwento.

Kasama ni Julia sa pelikulang Expensive Candy si Carlo Aquino na sa kasalukuyan ay nasa Amerika.

“Carlo uwi ka na, traba-trabaho rin ‘pag may time,” biro pa ni Julia.

Malapit nang ipalabas ang Expensove Candy on theaters near you. JP Ignacio