Julia, nilaglag si Matteo sa ghosting!

Julia, nilaglag si Matteo sa ghosting!

September 12, 2022 @ 9:40 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Hanggang ngayon ay usap-usapan ang isang segment ng Laugh Out Loud kung saan nalagay sa hot seat si Julia Barretto bilang contestant.

Hindi kasi siya tinantanan ng host na si Matteo Guidicelli na urutin tungkol sa kanyang lovelife.

Kinumusta ni Matteo si Joshua Garcia kay Julia at nagtaka ang aktres na tila hindi updated ang host sa kanyang lovelife.

Sey niya kay Matteo, iba na raw ang boyfriend niya ngayon kaya dapat ay ibahin na niya ang tanong.

Tinanong ni Matteo kung nag-text na ba ang boyfriend nitong si Gerald Anderson at kinumpirma naman ito ni Julia.

Katunayan, pinakukumusta raw siya ng nobyo.

Humirit naman si Matteo na ang salitang ghosting daw ay nagmula kay Gerald dahil sa kontrobersya noon sa ex nitong si Bea Alonzo.

Pumalag naman si Julia at ibinuking na way back, may nabalitaan siyang na-ghosting ni Matteo.

Dahil dito, nabistong lodi ni Matteo si Gerald pagdating sa ghosting. Archie Liao