Julia, sinayawan, nag-table ng GRO!

Julia, sinayawan, nag-table ng GRO!

August 25, 2022 @ 4:02 PM 1 month ago


Manila, Philippines – Aminado si Julia Barretto na na-challenge siya sa kanyang role sa pagbabalik-pelikula niya, ang Expensive Candy under Viva films. Ang role kasi ni Julia sa nasabing movie ay isang prostitute sa Angeles City, Pampanga, giving life to the character of Candy.

“The role challenged me mentally and emotionally. Si Candy kasi, may intention of seducing. Hindi lang siya sexy kundi nang-aakit talaga.

“I’m just trying to do my best everyday and making everybody around me proud,” sabi pa ni Julia.

Naikwento nga ng aktres na dahil sobra siyang seryoso na gampanan ang kanyang role nang maayos ay nag-immerse pa siya sa isang night club sa Angeles City.

“Nagpunta ako sa walking street sa Angeles.

Nag-table ako ng babae tapos binogyan ko siya ng dalawang lady’s drink, scotch on the rocks tapos sinayawan niya ako,” sabi pa ni Julia.

Sinabi rin ni Julia na naging kaibigan niya ang nai-table na GRO and her hearts go to these people na nagtatrabaho sa sex industry.

Leading man ni Julia sa movie si Carlo Aquino.

Excited na si Julia sa showing ng pelikula sa September 14, under the direction of John Paul Laxamana. JP Ignacio