Julia, tinalikuran ang showbiz para ‘magpakaanak,’ hindi para ‘manganak’!

Julia, tinalikuran ang showbiz para ‘magpakaanak,’ hindi para ‘manganak’!

July 7, 2021 @ 7:35 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Sa wakas ay nilinaw na ni Julia Montes ang dahilan ng pansamantalang pagtalikod niya sa showbiz noong 2018.

Ang totoo raw, bumiyahe siya patungong Germany para “magpakaanak” at hindi “manganak.”

Noong time kasing nawala si Julia naglabasan na buntis siya umano sa anak ng rumored boyfriend niyang si Coco Martin. Sinasabing babae ang anak nila.

Pero ayon mismo kay Julia, pumunta siya sa Germany to fulfill her daughterly duties. Aleman ang ama ng 21 anyos na aktres na si Martin Schnittka.

Kung paano niya natuklasan ito’y dahil sa isang CocoJul (Coco-Julia) fan na nagpadala ng litrato ni Mr. Schnittka sa kanya. Nang tanungin daw ni Julia ang kanyang ina, “Saan mo nakuha ‘yan?” daw ang reaksyon nito, kaya nakumpirma niyang tatay niya ‘yon.

Samantala, kaiba naman ang kaso ni Bea Alonzo na British naman ang ama.

Nang tanungin kasi ni Jessica Soho si Bea sa guesting nito sa KMJS kung interesado ba niyang makilala ang ama, sagot ng aktres: “Huwag na lang po.” Ronnie Carrasco III