Julia, umiskor ng gayuma!

Julia, umiskor ng gayuma!

December 3, 2022 @ 2:00 PM 2 months ago


Manila, Philippines – Exciting ang naging adventure ni Julia Barretto sa kanyang paglilimayon sa tanyag na Siquijor.

Naroong pumunta siya sa falls, naglunoy sa dagat mula pagte-trekking sa bundok at pagpu-food trip.

Sa pagkakataong ‘yon ay hindi niya kasama ang nobyong si Gerald Anderson.

But Julia didn’t explore the place unaccompanied.

Ang pinakatumatak sa isipan ng mga netizens ay ang pagpunta ni Julia sa Barangay Catabon.

She went there to see a quack doctor.

Binugahan at ginamitan siya nito ng ritwal to ward off evil spirits.

Damay na rin ang pagpapalayas ng anumang negative vibes sa katawan ni Julia.

Tuhog na rin ang mga taong may maitim na balak sa kanya.

Hindi pa roon nagtapos ang kanyang konsultasyon.

Julia received a relieving body massage from the albularyo.

Hindi umalis doon si Julia nang walang pabaon.

Ito ay kung tawagi’y love potion na maaaring ipahid ng aktres sa katawan.

Another beneficial use ng potion na ito’y maaari raw itong ihalo sa inumin ng nobyo para lalo itong mainlab sa kanya.

Siyempre, clueless naman ang albularyo kung gaano kaganda ang takbo ng lovelife ng kanyang kliyente.

But had he known, hindi na kailangang gamitan ng gayuma ni Julia si Gerald.

May ilang netizens tuloy ang nag-suggest na subukan din daw ni Bea Alonzo na sadyain ang albularyong ‘yon.

Kung alam lang daw ni Bea na may ganoong love potion, hindi raw sana siya naging biktima ng ghosting noon ni Gerald bago nagpasasa si Julia.

Aray ko! Ronnie Carrasco III