Juliana, bet ni Julia kay Leon!

Juliana, bet ni Julia kay Leon!

September 7, 2022 @ 7:30 PM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Madalas magkasama si Julia Baretto at Leon Baretto sa vlog nu’ng una pero this time, it’s the other way around.

Leon guested Julia sa vlog nito. Marami ang na-excite lalo’t mas maraming napag-usapan about personal life ang dalawa.

Kasama na nga rito ang kung sino nga ba ang ideal girl ni Julia for Leon.

Sagot ng aktres, si Juliana Gomez!

Hindi naman ito nagustuhan ng netizens. Ilan sa common comments, “Hindi bagay si Juliana sa pamilya niyo na puro issues! Hanap kayo iba!”

Ooops.

Bukod naman sa pag-name drop kay Juliana, payo ni Julia kay Leon kapag hahanap ng partner, “The best partner to have is someone who’s supportive, who brings out the best in you, who pushes you to be the best version of yourself, who inspires you without instilling it in you. A partner who leads by example is a great partner.”

Well, Julia is right. Pero, ano kaya masasabi ni Juliana about this?

By the way, Juliana is actually friends with Leon and Claudia.

Hmmmm. Paula Jonabelle Ignacio