Juliana, pinagtanggol si Brenda sa bashers!

Juliana, pinagtanggol si Brenda sa bashers!

December 15, 2021 @ 3:40 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Hindi na kailangang mag-survey, si Brenda Mage talaga ang isa sa mga most bashed celebrities/comedians on social media.

Ilang linggo na itong lumalabas sa news feed ng netizens. Kung hindi bashing, pang-iinsulto, pagka-irita, at pagdi-discriminate ang natatanggap nito sa outside world simula nang pumasok siya sa PBB.

Nagsimula ito nang magbiro si Brenda ng bastos sa kapwa housemate na si Eian Rances.

Ilang linggo matapos ito, kumain na naman ng bashing ang comedian dahil sa pagsasalita nito nang hindi maganda sa likod ni Alexa Ilacad na nakikita ng netizens as backstabbing.

Kinabwisit rin ng mga tao sa outside world ang pag-assume nito nang kung ano sa naging friendship nila ni Eian. Ang ending, napa-rant si Brenda sa kapwa housemates.

Cancelledt si Brenda sa labas ng Bahay ni Kuya, pero may isang hindi siya iiwanan sa kabila ng mga bashing na kinakaharap nito.

Hindi na nakapagpigil ang kaibigan nitong si Juliana Segovia at nagbigay pahayag at mensahe na kay Brenda. Si Juliana ang grand winner sa very first Q and A ng It’s Showtime.

“Brenda Mage, sige na, lumabas ka na ng bahay ni kuya. Masyado ka nang durog na durog dahil sa nakikita nila at bilang isang tunay na kaibigan, mas gusto ko na lumabas ka na para maisalba mo pa ang pangalan mo na unti-unti nang nasisira.

“Tandaan mo, may kaibigan ka pa rin paglabas mo,” saad ng kapwa comedian ni Brenda na tila nasaktan sa kaliwa’t kanang bashing na kinakaharap ng kaibigan.

‘Yun! May naghihintay naman pala sa kanya sa outside world, ano pa hinihintay niya? Labas na! Komento ng ilang netizens na ayaw talaga paawat sa pagpapalabas kay Brenda sa PBB House.

Mukhang napuno talaga ang mga tao sa naging asal ni Brenda sa loob. Maayos pa niya kaya ang image niya o final na ‘to, cancelledt na talaga siya?

Hmm. Sabi nila, everyone’s capable of change naman. Well. Paula Jonabelle Ignacio