Julie Ann, aminadong happy ang status ng heart!

Julie Ann, aminadong happy ang status ng heart!

May 9, 2022 @ 10:52 AM 2 months ago


Manila, Philippines – Hindi maiwasang mapag-usapan sa mediacon ng kanyang launching sa Aqua Skin ang pasabog na bikini pics ni Julie Anne San Jose sa Boracay na naka-post sa kanyang Instagram account.

Mukhang suportado naman ito ng pamilya ni Rayver Cruz dahil makikita ang komento nina Rodjun, Geneva, at Dianne Medina. May fire emoji naman na galing kay Rayver na nali-link sa kanya ngayon.

Positive ang feedback sa pagbi-bikini niya.

“Nakakataba ng puso. Masaya naman po talaga ‘yung vibes sa Bora,” sabi ni Julie Ann.

Anyway, sa launching ng bago niyang endorsement na Aqua Skin ay tinanong kung kumusta ang status ng puso niya ngayon.

Buong ningning niyang sinagot na very happy.

Follow-up question, sino ang nagpapasaya sa kanyang lovelife?

“Kilala niyo naman siguro ‘yun,” bitin niyang sabi.

Sa totoo lang, kakaiba ang awra ngayon ni Julie Ann. Bagay na bagay siya ad brand ambassador ng Aqua Skin na gawa sa Japan.

Julie Ann was also asked kung ano ang kanyang ginagawa kalag stressed out na siya.

“When stressed out, I compose myself, I meditate, and I talk to people and I talk a lot. Vent out, kumbaga and siyempre, grace under pressure. I listen to music. I eat, lahat ng gusto ko, kakainin ko, ‘yan ang nagpapakalma sa akin. Ice cream, shake, coffee, whatever that helps.

“Also, I drink Aqua Skin collagen powder then I take a nap,” sabi pa ng Kapuso star.

Sinabi rin ng Aqua Skin owner na si sir Jeffrey Geronimo na kapareho ng kanilang product ay perfect na perfect si Julie Ann as their endorser. They compliment each other, kumbaga.

Sino ba ang mga mga hinahangaan niyang 3 celebs pagdating sa beauty and wellness?

Sinabi niya na sina Heart Evangelista, Iya Villania at Anne Curtis.

Sa May 17, 2022 ay birthday na ni Julie Ann at hindi niya bet ang magarbong celebration. Simple lang daw ang mangyayari sa kanyang kaarawan kasama ang kanyang familiy at mga mahal sa buhay. JP Ignacio