Julie Ann at Rayver, magkakontra sa ideal wedding!

Julie Ann at Rayver, magkakontra sa ideal wedding!

November 30, 2022 @ 7:46 AM 2 months ago


Manila, Philippines – At this point in time ay nanliligaw pa rin si Rayver Cruz kay Julie Ann San Jose.

But even if they have yet to be a couple ay naitanong ang The Clash hosts kung ano para sa kanila ang kanilang dream wedding.

Traditional lang ang sagot ng Kapuso actress: church wedding.

Salungat naman ang sagot ni Rayver as his dream wedding is outside the country: “Sa ibang bansa.”

Asked which particular country, mabilis itong sumagot ng: “Europe!”

Wait, will somebody please educate Rayver na hindi bansa ang Europe kundi isang continent?

Further squeezed which European country ay wala na itong nasagot.

Pero may follow up question sa kanya, kung sa ibang bansa niya bet maikasal ay paano makakarating ang lahat ng mga imbitado niya?

‘Yun daw ang dahilan kung bakit as Rayver will make sure that only those who matter to him lang ang a-attend.

Ito’y bukod daw sa maganda ang mga tanawin kung the wedding will take place in Europe.

Nangingiti naman si Julie Ann sa sagot ng kanyang manliligaw.

Patunay lang na maaari naman siyang mag- adjust depende sa gusto ng kanyang mga magulang.

Hindi naman maimadyin ng mga kaharap nilang members ng entertainment media ang magkasalungat nilang trip to think na hindi pa nga sila officially na magnobyo.

Kung ganyan daw na meron silang mga irreconcilable differences, how much more kung magkasintahan na sila?

But of course, advanced lang mag- isip ang press.

Malay naman daw nila na baka magbago ang mindset ng dalawa, as in bet ni Julie Ann na sa Europe ikasal at si Rayver nama’y mas feel ang church wedding. Ronnie Carraaco III