Julie Anne, kasado na bilang ninang ng baby boy ni Rita!

Julie Anne, kasado na bilang ninang ng baby boy ni Rita!

September 21, 2022 @ 4:23 PM 2 weeks ago


Manila, Philippines – Nag-celebrate si Rita Daniela ng kanyang 27th birthday at sinabi niya na sa next birthday niya’y hindi na siya single dahil may baby boy na siyang kasama.

Surprise kay Rita ang resulta ng ultrasound dahil lalaki ang kanyang baby kahit na marami ang humuhula na babae ang first-born niya.

Matagal nang wish ni Rita na lalaki ang panganay nila ng non-showbiz partner, na ayaw niyang ipabanggit ang pangalan.

Samantala, si Julie Anne San Jose ay nag- regalo ng troley na crib ng baby para puwedeng ipasyal ni Rita ang anak kung saan niya gusto. Magiging magkumare na ang dalawa dahil nagkasundo na sila na isa si Julie Anne sa magiging ninang.

FYI, magkasabay ang dalawa na nag-join ng singing contest for kids sa GMA noon. Grand winner si Rita samantalang si Julie Anne ay runner-up niya.

Pareho silang pinasikat ng GMA Network hanggang sa nagkaroon sila ng kani-kanilang career. ‘Di lang as Diva kundi bilang drama star sa teleserye.

Successful sa career ng dalawa bilang actress. Si Rita ay ilang beses na-partner kay Ken Chan sa mga hit series.

Si Julie Anne ay nai-partner din sa iba’t ibang actor, ang latest ay si Rayver Cruz, na partner niya sa All Out Sunday.

Ang latest soap ni Julie Anne ngayon ay ang panggabing teleserye, ang Maria Clara and Ibara, ang latest adoptation na may fantasy na nobela ni Dr. Jose Rizal, ang Noli Me Tangere.

Samantala, pahinga muna sa soap si Rita. Noel Asinas