Jungkook ng BTS, 2020 Sexiest International Man!

Jungkook ng BTS, 2020 Sexiest International Man!

November 25, 2020 @ 10:10 AM 2 months ago

  •  
  •  
  •  

Seoul, South Korea at New York, USA – May bagong titulo si Jungkook ng BTS K-pop band: 2020 Sexiest International Man!

Ang titulo ay resulta ng poll (o survey na botohan) na idinaos worldwide ng People magazine ng US, na may readers na halos 50 million adults sa buong mundo.

Halos dalawang buwan lang idinaos ng magasin ang survey na may iba’t-ibang kategorya sa ilalim ng pangkalahatang bansag na Sexiest Man Alive.

At sa kategoryang Sexiest International Man nagwagi si Jungkook.

Ayon sa isang BTS fan, dahil ngayong taon lang sinimulan ng People Magazine ang maglagay ng iba’t-ibang kategorya sa pa-contest nilang Sexiest Man Alive, si Jungkook na 23 years old pa lang, ang kauna-unahang Sexiest International Man titlist.

Impresibo rin naman ang listahan ng celebrities na tinalo ni Jungkook para sa nasabing titulo.

Ang mga ito ay sina: 37-year-old Canadian actor Dan Levy (known for his role in CBC‘s ‘Schitt’s Creek’); 53-year-old Australian singer-songwriter Keith Urban (known for songs like ‘You’ll Think of Me’);

46-year-old Welsh actor Matthew Rhys (a Golden Globe nominee and Emmy award winner); at 24-year-old Irish actor Paul Mescal (known for his role on BBC’s ‘Three‘s Normal People’).

Naging contender din naman ang buong grupo ng BTS para sa titulong Sexiest Chart-Topper. Pero mas maraming boto ang natanggap ng dating miyembro ng grupong One Direction na si Harry Styles.

Ang ilan pa sa mga kategorya sa poll ay Sexiest Brothers at Sexiest Content in Quarantine.

Samantala, ayon sa ulat sa Allkpop.com, talaga namang umaapaw sa kaseksihan si Jungkook. Ultimong ang itsura raw ni Jungkook na pagod na pagod, nakasabog ang buhok sa mukha, at tumutungga ng tubig mula sa isang plastic bottle ay nakakadeliryo na raw sa kaseksihan. Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...