Jungkook, pinainit ang fans sa BTS concert!

Jungkook, pinainit ang fans sa BTS concert!

March 14, 2022 @ 5:00 PM 4 months ago


SEOUL, SOUTH KOREA – Hindi na napigilan ng mga fans maging ng butones ng BTS member na si Jungkook ang tindi ng performance nito sa nagdaang Permission to Dance on Stage – Seoul concert!

Sa tindi kasi ng performance ng grupo kasabay ng kanilang awiting “Fake Love” ay kusa nang bumigay ang butones na suot ni Jungkook na isang cropped jacket na may napakalalim na V-neck at kwintas na mala-kadena.

Nung una ay hindi pa agad namalayan ng BTS member ang pangyayaring ito ngunit nang mapansin niya na, sa halip na mag-panic ay nagpakita pa ito ng sexy smile na lalong nagpainit sa mga fans.

Dahil dito, trending pa worldwide sa Twitter ang “Jungkook button” kasabay ng kabi-kabilang video clips ng naturang eksena.

Kahapon, March 13 ang huling araw ng naturang hybrid concert na mix ng in-stadium guests sa Olympic Stadium sa Seoul, South Korea at online audience na napanood worldwide! RNT/JGC