Justice system sa bansa, epektibo sa Lapid slay case – Tolentino

Justice system sa bansa, epektibo sa Lapid slay case – Tolentino

October 19, 2022 @ 5:12 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naniniwala si Senator Francis “Tol” Tolentino na nagpapatunay na ang justice system ay gumugulong pa rin at epektibo sa ating bansa.

Patunay rin aniya ito na hindi nagpapabaya ang ating pamahalaan.

Ginawa ng Senador ang kanyang pahayag sa Kapihan sa Manila Bay nitong Miyerkules, Oktubre 19 kaugnay sa pagsuko ng gunman sa pagpaslang sa broadcaster na si Percy Lapid.

Pinuri din ng Tolentino si DILG Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. dahil sa bilis ng kilos ng mga kapulisan at hindi nagpabaya na busisiin ang “root cause” sa pagpaslang kay Lapid.

Aniya, mayroong effective working judiciary, mabagal man o hindi ay mayroon pa ring gumugulong na hustisya ng katarungan.

Suportado rin ni Tolentino ang pagpapaimbestiga ni Senator Ramon ‘Bong’ Revilla Jr. sa umano’y pagkakasangkot ng mga inmates sa New Bilibid Prison sa Muntinlupa.

Sinasabi kasi ng gunman na si Joel Estorial na galing sa NBP ang kumuntrata sa kanya para patayin ang broadcaster. Jocelyn Tabangcura-Domenden