Ikakasal na ang pop star na si Justin Bieber matapos siyang mag-propose sa kaniyang rumored girlfriend na si Hailey Baldwin, ayon sa mga ulat kahapon, (July 8).
Ang Canadian heartthrob ay nag-propose sa 21-anyos na modelo sa isang dinner noong Sabado ng gabi sa isang restaurant sa The Bahamas, ayon sa celebrity news site na TMZ.
Sinabi sa site na ang mga witness sa restaurant ay sinabihan ng mga security guard ni Justin na ilayo ang kanilang mga camera sa nasabing proposal.
Tila suportado naman ng mga magulang ng singer ang ginawang hakbang ni Justin at idinaan sa social media ang kanilang reaksyon.
“Proud is an understatement! Excited for the next chapter!” sabi ng ama ni Justin na si Jeremy Bieber sa kaniyang Instagram account kasama ng litrato ng kaniyang anak.
“Love Love Love Love Love Love Love,” sabi naman sa tweet ng ina ng singer na si Pattie Mallette.
Si Hailey Baldwin ay isang model at aktres na gumanap na isa sa mga anak na babae ni “The Usual Suspects” actor Stephen Baldwin at pamangkin ni Alec Baldwin, ang “30 Rock” star at impersonator ni US President Donald Trump.
Kamakailan lang ay na-link si Justin sa kaniyang ex-girlfriend na si pop singer Selena Gomez at sa model na si Sofia Richie. Unang nakita ang soon to be husband and wife na magkasama isang buwan palang ang nakakalipas. (Remate News Team)