Justin Bieber, positibo sa COVID-19; Concert sa Las Vegas, kanselado!

Justin Bieber, positibo sa COVID-19; Concert sa Las Vegas, kanselado!

February 22, 2022 @ 2:40 PM 4 months ago


Los Angeles, USA – Postponed ang Justice World Tour sa Las Vegas ng Canadian singer na si Justin Bieber matapos magpositibo nito sa COVID-19.

Ibinahagi ng Justice World Tour Updates account sa social media platform na Twitter ang balita sa mga fans.

“Justin is of course hugely disappointed but the health and safety of his crew and fans is always his number one priority.”

Ini-reschedule naman ang Las Vegas show sa June 28, Martes. Inabisuhan rin ang fans na itago ang tickets dahil tatanggapin pa rin  ito para sa bagong schedule ng nasabing show.

Matatandaan na noong Enero ay hindi rin itinuloy ng English singer-songwriter na si Adele ang kanyang Las Vegas show dahil sa COVID-19.

Don’t you worry, Beliebers! According to a reliable source ay mild lamang ang COVID-19 symptoms ni Justin. Paula Jonabelle Ignacio