Justin ng SB19, may hugot sa nakaraan!

Justin ng SB19, may hugot sa nakaraan!

October 30, 2022 @ 9:36 AM 1 month ago


Manila, Philippines – May hugot ang isa mga bida sa YouTube teleserye na Nasa Iyo ang Panalo, ang sub-vocalist at creative lead ng SB19 na si Justin de Dios. As a singer, rapper, at aktor, aminado siyang pinagdudahan niya noon kung makakamit ba niya ang tagumpay gamit ang talent niya sa musika, subalit dahil sa determinasyon, naging isa siya sa mga kilalang star ng Philippine Pop.

“May panahong walang gustong makinig sa akin, mga panahong gusto ko nang sumuko. Pero hindi ako nagpatalo,” kuwento niya sa kanyang video, na sa kasalukuyan ay meron ng 3.9 milyon na views.

Kasama ni Justine sa YouTube teleserye sina Francine Diaz, at ang mag-asawang Luis Manzano at Jessy Mendiola.

Ang Puregold ang nasa likod ng matagumpay na YouTube teleserye on celebration na rin ng ika-25 na taon sa industriya ng retail.

Ayon sa produ, hindi magiging possible ang tagumpay ng nasabing project kung wala ang mga mamimili, ang mga Pilipinong nakasama nila sa pagdaan ng mga taon. JP Ignacio