Justin Timberlake, may bagong inilabas na kanta!

Justin Timberlake, may bagong inilabas na kanta!

July 6, 2018 @ 6:35 AM 5 years ago


 

Mukhang madadagdagan ang summer playlist ng mga fans at soon to be fans ng singer-songwriter na si Justin Timberlake sa bago niyang inilabas na kantang “SoulMate.”

Inilabas ito ng singer bago pa man ang selebrasyon ng Independence day ng Amerika at sabi nga sa unang lyric ng kanta, “Summer starts now.”

Ang bagong kanta ni Justin ay kaiba sa vibe ng kaniyang “Man in the Woods” at tila ibabalik nito ang star-making dance bangers ng singer.

Ito ang unang single ni Justin mula noong inilabas niya ang kaniyang fifth studio album na  “Man of the Woods.”

Nag-post naman si Justin sa kaniyang Instagram account na ang kanta ay nabuo noong nakaraang linggo, “Bahama Sessions — “SoulMate”, written: June 26th, final mix: July 3rd.”

Kasalukuyan naman nasaMan of the Woods tour si Justin na tatagal hanggang sa susunod na taon.

Kahit nasa tour si Justin hindi naman ito makapipigil sa kaniya para gumawa ng mga bagong kanta gaya nalang ng kalalabas niya lang na “SoulMate,” na pasok na pasok talaga para maging  “song of the summer.” (Remate News Team)