JV Ejercito kay PRRD: ‘Wag nang tumakbo sa 2022 polls, mag-relax na lang

JV Ejercito kay PRRD: ‘Wag nang tumakbo sa 2022 polls, mag-relax na lang

July 9, 2021 @ 12:27 PM 1 year ago


Manila, Philippines – Iginiit ni dating Senador Joseph Victor “JV” Ejercito na hindi siya pabor sa desisyon ni Pangulong Rodrigo Duterte sa pagtakbo bilang bise presidente sa susunod na botohan.

“[He has] nothing more to prove. Kasi ako friend ako, I am concerned also about his health he will be probably 76 or 77 at the time…Siyempre concerned ako. You have to relax, 77 na e, you have to enjoy life. You deserve to enjoy life,” pahayag ni Ejercito sa ANC interview.

 “As a friend, I think nag presidente ka na e. Nothing more to prove. Whatever you say about the administration, you will leave a legacy.”

“One of my advocacies, ‘yung infrastructure development, talagang advocacy ko ‘yan, and that is also one advocacy that the Duterte administration will be leaving behind,” lahad pa nito.

Naunang sinabi ni Pangulong Duterte na posible ang pagtakbo niya sa nasabing posisyon sa susunod na eleksyon.  RNT/FGDC