JV Ejercito kay Zamora: Tayo na lang ang magbangayan

JV Ejercito kay Zamora: Tayo na lang ang magbangayan

July 9, 2021 @ 6:08 PM 1 year ago


MANILA, Philippines – Umapela si dating senador JV Ejercito kay San Juan City Mayor Francis Zamora na huwag idamay ang mga empleyado ng local government unit mula sa away sa pulitika ng kanilang mga pamilya.

Sa interview ng ANC, sinabi ni Ejercito na ang kanyang relasyon kay Zamora ay hindi na katulad noon dahil sa pagiging pulitikal ng alkalde sa kabila ng paulit-ulit niyang pahayag na siya at ang kanyang ina na si dating San Juan Mayor Guia Gomez, ay walang plano tumakbo sa local post sa lungsod.

“The problem with Mayor Francis, he has been very political here locally. The vindictiveness has not stopped. He is attacking my mother even if my mother has retired at the age of 78, 79 and he thinks that the Estradas have the intention of running again. So sa kanya (for him), we eliminate the enemy,” giit ni Ejercito.

Inihalimbawa ni Ejecito ang kaso ng isang empleyado ng city hall na nagsilbing sekretarya noon pang panahon ng kanyang amang si Joseph “Erap” Estrada, na hindi umano nakakuha ng retirement benefit dahil sa ito ay tauhan ng mga Estrada.

“I think that is against the law and some have also filed before the Ombudsman because they earned those money,” saad niya.

Bukod dito, isa pa aniyang huwarang emoleyado sa human resource department ng city hall ang nakaranas ng depression matapos i-reassign ni Zamora sa market operations.

“He went through depression because from the HR department, being a model employee, he was thrown to the market,” aniya pa.

“So I’m just appealing to Mayor Francis na tayo na lang ang magbangayan. You know these people have worked for the city and we have tried to develop our home grown talent. I’m hoping to put a stop to this, ‘di na tayo magkakalaban,” dagdag ni Ejercito.

Sa loob ng araw na ito nakatakdang maglabas ng statement si Zamora ukol sa mga naging pahayag ni Ejercito. RNT