JV Ejercito sa Mandaluyong hit-and-run suspect: ‘Dapat siyang managot’

JV Ejercito sa Mandaluyong hit-and-run suspect: ‘Dapat siyang managot’

June 18, 2022 @ 1:30 PM 1 week ago


MANILA, Philippines- Dapat managot si Jose Antonio Sanvicente, ang tumakas na hit-and-run driver ng sport utility vehicle na sumagasa sa isang security guard kaya’t nararapat siyang ikulong bilang parusa sa kanyang krimen, ayon kay Senador JV Ejercito.

Hindi ikinulong ng Philippine National Police (PNP) si Sanvicente matapos ang sampung araw na pagtatago matapos siyang sagasaan si Christian Floralde na naospital ng apat na araw sanhi ng mga malalalang sugat sa katawan.

“Mabuti at sumuko na rin siya at hindi na tumakas. Dapat noon pa ayon kay Ejercito.

Sa kanyang tweet nitong Biyernes, sinabi ni Ejercito na dapat managot si Sanvicente sa kanyang krimen.

Ibinahagi din ni Ejercito ang natanggap na impormasyon na may nakaraang krimen din si Sanvicente ng pananaksak sa ilang matanda sanhi ng away sa trapiko.

Nauna nang nag-alok ng P50,000 pabuya si Ejercito kung sinuman ang makapagbibigay ng impormasyon sa kinaroroonan ni Sanvicente noon.

Samantala, dismayado naman si outgoing Senate President Vicente Sotto III, sa pagsuko ni Sanvicente sa PNP at nagbigay pa ng press conference kasama ang hepe ng pulisya.

“Pls tell the PNP and the lawyer of the hit-and-run-over driver they must follow Republic Act 10586, the Anti-Drunk and Drugged Driving Law,” ayon kay Sotto said sa kanyang Viber message sa Senate reporters.

Sinabi din ni Sotto na hindi sinunod ng PNP ang alituntunin sa naturang krimen.

“Legal procedures? Then brush up on issue of illegal drugs. It takes weeks to clean up any trace of real dangerous drugs if you use a comprehensive drug test. Attn PNP spokesperson!” ayon kay Sotto. Ernie Reyes