JV, Nancy sapul din ng COVID; Senado isasara!

JV, Nancy sapul din ng COVID; Senado isasara!

August 19, 2022 @ 10:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Inanunsyo nina Senators JV Ejercito at Nancy Binay ngayong Biyernes ang kanilang pagpositibo sa COVID-19.

Sinabi ni JV na wala naman siyang nararamdamang sintomas ng COVID pero nagpositibo siya sa kinuhang RT-PCR test.

Habang si senator Binay naman ay kasalukuyang naka-home quarantine at sinusunod ang health protocol sa COVID.

Sa ngayon, mayroon nang pitong senador na nagkasakit ng respiratory disease mula nang magsimula ang 19th Congress.

Nitong Huwebes lang nang ianunsyo ni Senator Joel Villanueva na nagpositibo rin siya sa COVID.

Sinabi naman niΒ Senate President Juan Miguel Zubiru na pinaplano nilang isara ang Senado para sa disinfection.

Ang iba pang mga senador na nagpositibo rin sa COVID-19 ay sina Grace Poe, Cynthia Villar, Imee Marcos at Alan Peter Cayetano.

Naka-recover na si Cayetano sa sakit. Nagsimula siyang dumalo nang pisikal sa mga sesyon ng Senado noong Lunes. RNT