JV sa isyung nakabuntis siya: A big lie!

JV sa isyung nakabuntis siya: A big lie!

September 13, 2022 @ 11:56 AM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Agad na binasag ni Senador JV Ejercito ang kanyang katahimikin ukol sa alegasyon na ipinost sa Twitter na nakabuntis siya sa ibang babae.

“A big lie!”

Tugon ni Ejercito, na tinuguriang ‘the good one’ sa kanyang mga campaign ads.

 “Hahaha tahimik ka ata @jvejercito. Busy mag settle sa nabuntis mong chief-of-staff? Lol.” saad sa Twitter post na pinalagan ni JV.

“Wag kayo gumawa ng istorya dahil may asawa po ang tao,” tugon pa ng senador.

“Nanahimik kami, ang nagtatrabaho, wag kaming idamay sa ganyang chismis. Be responsible,” dagdag pa niya.

Sa isang mensahe ng Viber, ikinalungkot ni Ejercito ang paglaganap ng fake news, at sinabing ang mga ito ay “tinutulak ng mga iresponsableng gumagamit ng social media.”

“Sobra bastos and irresponsible ng mga nasa Twitter ngayon. Makapanira lang,” aniya pa.

Nagpahayag din ang senador ng kanyang hinala na ang kamakailang pag-atake laban sa kanya ay isa pang diversionary tactic, ngunit hindi na niya idinetalye. RNT