K Brosas: Kaso vs contractor tuloy!

K Brosas: Kaso vs contractor tuloy!

October 12, 2022 @ 10:01 AM 2 months ago


Manila, Philippines – RFO o ready for occupancy na ang bahay na ipinatayo ni K Brosas.

Taong 2019 pa sinimulan ang construction nito sa dating contractor na rekomendado ng kaibigan.

Kung hindi raw siya ginatasan ng unang contractor, dapat sana’y the following year ay natirhan niya ito.

Laking gulat nga ng TV host-comedienne na sa halip na bahay ang datnan niya nang bumisita sa site ay mga poste pa lang ang nakatayo.

To think daw na umabot na sa halagang P7 million ang naibayad niya sa pinagkafiwalaang contractor.

Walang choice si K kundi sampahan ng kaukulang kaso ang naturang contractor.

Hanggang ngayon daw ay dinidinig ang kaso.

Sa kanyang YouTube channel, sinabi ni K na ngayon lang daw siya nagsalita, bagay na kaduda-duda dahil narinig na ng publiko ang kanyang kuwento.

Gayunpaman, K is determined to pursue the case sa paniniwalang mabagal man daw ang hustisya ay makakamit din niya ito.

Sa kanyang house tour, mapapansin ang mga regalo ng bago niyang contractor sa unang palapag ng kanyang newly constructed house at painting naman mula sa kanyang abogado.

Proud si K na at 47, nakapagpundar na siya ng sariling bahay from her hard-earned money.

Nagbigay pa si K ng payo sa mga gustong magpagawa ng bahay.

Aniya, ipon is the key.

Hindi rin naman daw niya binigla ang pagpapagawa. Inunti-unti raw niya ito.

Sa tanong kung may pag-asa bang magbago ang kanyang desisyon sa nanlokong contractor niya, “Teh, wala! Tuloy ang demanda. Ano ‘yon, ganu’n-ganu’n lang?”

To the poor contractor, you messed with the wrong girl! Ronnie Carrasco III