K Brosas, pinagmalaki ang mansyon, ‘di na mukhang bodega!

K Brosas, pinagmalaki ang mansyon, ‘di na mukhang bodega!

September 23, 2022 @ 9:30 AM 1 week ago


Manila, Philippines – Ginamit lang ni K Brosas na figure of speech ang mala-bodega sanang tirahan niya kung nanatiling nakatengga pa rin ang ipinagawa niyang bahay.

Kamakailan, humingi ng dispensa ang singer-comedienne sa sunud-sunod na pagpo-post ng kanyang tapos nang three-storey house.

Bago kasi rito’y ipinasilip ni K ang kusina ng newly constructed house niya.

Days later ay ibinalita niyang nakalipat na siya.

Sinundan ito ng pagbibida niya ng iba pang bahagi ng naturang katas ng kanyang pinaghirapan.

Medyo magulo at kalat-kalat pa raw ang mga gamit, ayon sa haggard na singer na aligaga sa pag-aayos nito.

Biro nga niya, hindi na raw mukhang bodega ito.

Reference ‘yon sa dati nitong hitsura kung saan 35% pa lang ang natatapos sa construction.

Matatandaang idinemanda niya ang orihinal na contractor nito na umano’y nanloko sa kanya ng halagang P7 million.

Back to square one noon si K na kinailangang kumayod to see her dream house come true.

Walang balita kung ano na ang nangyari sa kanyang demanda.

Pero obyus na bago na ang contractor nito dahil pinasalamatan niya ito maging ang mga supplier niya.

Samantala, balitang mas ginustong maging independent ng kaisa-isang anak ni K na miyembro ng LGBTQIA community.

So practically, mag-isa lang si K sa bahay na ipinatayo dahil single naman siya.

Aminado si K na may pagka-picky siya when it comes to men.

Sabeee? Ronnie Carrasco III