K-DRAMA AT COVID

K-DRAMA AT COVID

January 24, 2022 @ 6:03 AM 8 months ago


SUNOD-sunod ang mga tinamaan ng COVID-19,  pami-pamilya, magkakamag-anak, magkakapitbahay at bara-barangay na.  Mabilis daw nga kasing kumalat ang virus lalo na itong omicron variant.

Literally, napaliligiran na tayong lahat ng COVID-19.   Para sa marami, parang trangkaso na lang ito. Hindi na iniinda basta may gamot at bakunado na.  Araw-araw tumataas ang bilang ng mga tinatamaan, pero kung tutuusin mo marami pa ang hindi napapasama sa bilang dahil sa hindi na nagpapa-test.  Walang pambayad sa testing o kaya naman ayaw mawalan ng isang araw na sweldo, pilit na lang iisipin na trangkaso lang naman ang nararamdaman.

Hindi ko yata kakayanin itong walang katapusang quarantine na ito.  Buryong ka na sa bahay kasi kahit meron ka naman pwedeng puntahan, nakakanerbyos pa rin ang lumabas at baka mahawaan ka pa ulit ng COVID.

Pasalamat na lang ako talaga at pwede ang work-from-home o flexible working arrangements.  Malaking bagay ito para sa aming mga taga-media at public service.  Pwede naming gampanan ang aming  trabaho at pagsisilbi, kahit nasa bahay. Basta may cellphone, laptop at malakas na signal ng wifi.

Pero bukod dyan, nakababaliw pa rin talaga kung buong araw nasa bahay ka lang. Hindi lang kasi araw, ilang linggo o buwan na nasa bahay ka lang.  Wala kang ibang nakikita kundi ang laptop, kwarto mo at mga kapamilya ang kaharap.  Araw-araw!

Buti na lang talaga at sangkaterba ang mga palabas sa telebisyon at sa patok na Netflix at Youtube. Noon inakala kong hindi ako mahihilig sa panonood ng mga palabas ng Korea, tulad ng mga kakilala kong lulong sa pagsubaybay ng mga K-Drama.

Pero nitong nagpandemya na at noong nagka-COVID ako, habang naka-quarantine sinubukan kong manonood nito nang paisa-isa.

‘Yung pa-isa-isang iyon naging dalawa, tatlo hanggang sa ‘di ko namamalayan, marami na pala akong natapos o napanood na K-drama at variety shows nila.

Salamat sa sub-title dahil kahit na hindi naman ako marunong mag-Korean naintindihan ko ang pinanonood ko.  (ITUTULOY)