K-pop concert sa Indonesia inihinto sa siksikan

K-pop concert sa Indonesia inihinto sa siksikan

November 6, 2022 @ 11:40 AM 4 weeks ago


INDONESIA – Makalipas ang Halloween celebration crush sa South Korea na kumitil sa buhay ng mahigit 150 katao, pwersahang inihinto ang kauna-unahang concert ng K-pop band NCT 127 sa Indonesia.

Ito ay makaraang magsiksikan ang mga tao at nagresulta sa pagkahimatay ng nasa 30 indibidwal.

Matatandaan na noong nakaraang buwan lamang ay mayroong mahigit 130 katao kabilang ang mahigit 40 bata ang nasawi sa isang football stadium dahil sa stampede.

Ayon kay Police spokesperson Endra Zulpan, nitong Biyernes, Nobyembre 4 ay isinagawa ang K-pop concert sa Jakarta kung saan nagpumilit ang maraming fans na makalapit sa stage.

“Because of it, 30 people fainted. To prevent other incidents, we decided to stop the concert at 9.20 PM (1420 GMT),” pahayag ni Zulpan.

Sa kabila nito, sinabi naman niya na nakalabas na ng ospital ang mga hinimatay na fans. RNT/JGC