K-Pop girl group na BlackPink maglulunsad ng sariling docu sa Netflix

K-Pop girl group na BlackPink maglulunsad ng sariling docu sa Netflix

September 9, 2020 @ 2:34 PM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

South Korea – Inanunsyo ng Netflix ang paglulunsad ng sariling docuseries ng sikat na K-pop girl group na BlackPink.

Ipakikita dito ang never-before-seen footage ng mga miyembro ng naturang grupo na sina Jisoo, Rosé, Jennie, at Lisa noong sila’y mga trainees pa, at mga ekslusibong mga interbyu ng apat.

“We hope this film will bring joy and light to the viewers, and they will enjoy seeing our journey together on screen from the past four years,” sabi ng grupo.

Pinamagatan ang dokumentaryo na BLACKPINK: Light Up The Sky sa direskyon Caroline Suh na siya ring direktor ng docuseries na Salt Fat Acid Heat at pinrodus ng RadicalMedia.

Kasamang ilalathala ang nakaraang pagtatanghal ng nasabing grupo sa Coachella nitong 2019.

Mapapanuod ito simula Oktubre 14.RNT/ELM


  •  
  •  
  •  

Loading...