K12 sa bansa ‘di pa handa – Rep.Tinio

K12 sa bansa ‘di pa handa – Rep.Tinio

July 29, 2018 @ 2:08 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Marami pa umanong dapat ikonsidera sa pagpapatupad ng K12 sa bansa.

Sinabi ni ACT Teachers Partylist Representative Antonio Tinio sa ginanap na pulong Balitaan sa Tinapayan na bagamat naipatupad na ang K12 sa bansa ay kailangan pa rin itong bantayan at imonitor.

Aniya, marami pa rin ang dapat i-review dahil hindi pa rin aniya handa ang mga bata kahit pa makakatapos na ang mga ito ng Senior High.

Kabilang aniya sa dapat ikonsidera at pag-aralan pa ang curriculum, ang funding ng senior high, labor export gayundin ang mga ginagamit na  contructual teachers na pinag-debatehan na rin aniya  sa kongreso.

Ayon na rin aniya sa ilang bussiness group, bagama’t makakakumpleto ng K12 ay hindi pa rin handa ang mga bata na maisabak sa trabaho dahil kulang pa rin sa kaalaman pagdating sa trabaho.

Ani Tinio, kailangan pa rin ng karagdagang pagsasanay kung saan isa aniya ito sa naging pangako ng ilang nagtulak na maipasa ang K12 sa bansa.

Dahil dito, dapat  aniyang i-monitor at bantayan ang K12 upang malaman kung ano pa ang dapat pang i-review para mas mapaganda at maitaas pa ang antas o kalidad ng edukasyon sa bansa. (JOCELYN TABANGCURA-DOMENDEN)