KA EDUARDO MANALO SINISIRA NG MGA APLIKANTE SA CUSTOMS

KA EDUARDO MANALO SINISIRA NG MGA APLIKANTE SA CUSTOMS

June 3, 2022 @ 3:54 PM 3 weeks ago


SAVE Ka Eduardo Manalo at iligtas ang Iglesia ni Cristo!

Ito ang panawagan ng ilang organic employees ng Bureau of Customs (BOC) kasabay ng pagsasabing walang maidudulot na maganda para kay Ka Eduardo Manalo at sa pamunuan ng Iglesia Ni Cristo (INC) ang ginagawang paggamit sa kanila ng ilang opisyal na naghahangad na manatili sila sa puwesto sa naturang ahensiya.

Nabatid na ang mga opisyal na sina BoC Customs Deputy Commissioner Teddy Raval ng Enforcement Group at Deputy Commissioner Vener Baquiran ng Revenue Collection and Monitoring Group (RCMG) ay parehong nag-aapply ngayon para hindi sila maalis sa puwesto.

Sinabi ng mga BOC employees na walang problema kung naghahanap sila ng linya sa kampo ni incoming President Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr.

Ang masaklap lang ay ginagamit ng mga ito ang pangalan ni Ka Eduardo at buong INC mismo.

Diumano, may basbas ni Ka Eduardo ang pagla-lobby nila sa BBM camp at alam mismo ito ng buong pamunuan ng INC.

“Karapatan nilang mag-apply kung gusto nilang kumapit-tuko sa puwesto. Pero para gamitin ang pangalan ni Ka Eduardo at buong INC, huwag naman dahil sinisira nila ang sagrado naming kapatiran,” sabi ng isang BOC employee na umaming isa ring INC member.

Para sa isa pang INC member na organic employee rin ng BOC, panahon na para magising ang papasok na administrasyon na hindi basta maniwala sa paggamit sa pangalan ni Ka Eduardo dahil kahit saan at kahit kailan, batid nilang hindi ito papayagan ng iginagalang nilang namamahala ng INC.

Si Ka Eduardo ang Executive Minister ng Iglesia ni Cristo at mahigpit ang tagabulin nito na huwag na huwag sasangkot sa anumang uri ng anomalya.

Natatakot ang mga BOC employes na baka mapaniwala nina Raval at Baquiran ang BBM camp na ‘sugo’ talaga sila ng INC.

“Iligtas natin ang buong Iglesia ni Cristo at iligtas din natin si Ka Eduardo,” sabi ng isa pang INC member na nakabase naman sa BOC Port of Cebu.

Kung matatandaan, taong 2017 nang sumambulat ang P6.4 billion halaga ng shabu na na-smuggle sa bansa.

Sina Raval at Baquiran ay dalawa lamang sa maraming BOC officials na pinangalanan ng Customs broker na si Mark Taguba na tumatanggap sa kanya ng suhol o lagay.

Bukod dito, may usap-usapan si Baquiran na nasa likod ng malawakang smuggling ng mga imported na galung-gong sa bansa na labis na nagpahirap sa mga kababayang mangingisda at lokal na mangangalakal.

Ang bahay ni Raval naman ay hinagisan ng granada noong mga nakalipas na buwan, ngunit tumanggi na itong magpaimbestiga sa mga awtoridad para maiwas pa sa matinding kontrobersiya at upang hindi na mabuko ang mga luxury cars na nasa garahe ng mansiyon nito.

Sinasabing korapsiyon din ang dahilan kaya hinagisan ng grada ang bahay ni Raval.

oOo

Anomang puna o reklamo i-text sa 09189274764,09266719269 o i-email sa [email protected] o [email protected]