Ka-freshness Wilbert, ginastusan si Madam Inutz!

Ka-freshness Wilbert, ginastusan si Madam Inutz!

December 13, 2021 @ 1:15 PM 10 months ago


Manila, Philippines – Ligtas sa nakalipas na eviction night sina Madam Inutz, KD Estrada, Anji Salvacion, at Samantha Bernardo at tuluyan na ngang napalabas ng PBB House sina Shanaiah Gomez at Benedix Ramos.

Mukhang masaya naman ang social media world sa naging resulta ng eviction base sa kanilang comments, maliban na lang sa ilan na talagang gustong mapalayas ng bahay si Madam Inutz at Brenda Mage.

Ang dahilan, ang nasisilip nilang pagiging plastik ng dalawa sa kapwa housemate na si Alexa Ilacad.

Kaya naman nang lumabas ang resulta sa eviction, bagsak-balikat ang netizens at parang nawalan ng pag-asa na mapalabas ng Bahay ni Kuya si Inutz.

Ang talent manager kasi nitong si Wilbert Tolentino, hindi basta basta ang suporta para sa sikat na online seller.

64 million diamonds lang naman kasi ang ibinuhos nito sa Kumu para lang maligtas si Inutz.

“Deserve mong isalba kita Teh Daisy Lopez. Dahil mabuti kang anak at tao ka humarap. Kung may nakita akong pagkakamali at nararapat ka na ilabas, hindi kita sasalbahin sa voting at magvo-volunteer ako mag-abstain at hayaan kong lumabas ka na sa bahay ni kuya,” saad nito sa Facebook post niya na tila nagpapaliwanag kung bakit niligtas si Inutz.

Dagdag pa nito, tinik kasi ang tingin ng karamihan sa pambato niya kaya naman pinuputakte ito ng fandom ng ibang housemates.

Kaninong fandom kaya ang tinutukoy? Anyway, mukhang kahit ano’ng mangyari, all out ang support ni Wilbert kay Madam.

Itodo niyo na lang rin ang suporta sa mga pambato niyo guys. May the best manok win! Char. Chill lang tayo and good vibes! Paula Jonabelle Ignacio