KA MAENG’S  ‘AGILA,  BANTAY NG BAYAN’!

KA MAENG’S  ‘AGILA,  BANTAY NG BAYAN’!

September 21, 2022 @ 4:47 PM 2 weeks ago


SI Inton, 30, kung wala sa trabaho’t libre ang oras, ay  kasama ng  awtoridad,  tumutulong sa  pagmamantine ng daloy  trapiko  habang nagsasagawa ng checkpoint ang mga pulis.
Madalas ay  naroon din  sa  lugar na may feeding program, clean up drive  at iba pang programa ng kapulisan. Kung minsan naman  nakabuntot sa mga alagad ng batas na nagsasagawa ng anti-crime operation.
  Kahit saan – operasyon  kontra sa mga halang ang kaluluwa  at mga  kawanggawa na  isinusulong ng Philippine National Police  laging sumasama si Inton na ‘di natatakot, “di alintana ang maaring masamang mangyari sa kanya.
      Si Inton ay isa lamang   sa libo-libong miyembro ng grupong “Agila Bantay ng Bayan” na nagboluntaryong sumapi sa Agila  ng Bayan, hindi lamang sa CAMANAVA area kundi makikita rin sila saan mang sulok ng bansa.
      Sila’y  kung tawagin  ng PNP ay  ‘force multplier’ dahil  sa anomang aktibidad,  mapa-anti-crime  o  kawanggawa, sila ay  katuwang ng pulis bilang mga boluntaryong  indibidwal o grupo  na gumugugol ng kanilang oras para sa iisang hangarin – ang  mapanatili ang kaayusan  at kapayapaan sa komunidad.
     Malaking bagay ang grupong ito –  dahil sa tulong na naibibigay sa pambansang pulisya.  Pero paano nga ba umusbong, lumobo sa  libong bilang ang kumakatawan ngayon sa Agila ng Bayan.
       Ang Agila, Bantay ng Bayan ay  likha ng malikot na utak ni Ka Maeng Santos,  miyembro ng isang  religious group at beteranong mamamahayag na nakilala sa marubdob niyang pagbibigay serbisyo sa bayan, hindi bilang halal na opisyal  kundi isang pribadong mamamayan.
     Walong taon na ang Agila ng Bayan  “and still growing”,  ika ni  Ka Maeng na ang mga miyembro’y taos-pusong nagseserbisyo  na  primaryong adhikain ay makatulong  sa kapulisan at  pamahalaan.
     

Bukod sa founder ng grupo, si Ka Maeng  ay nagsisilbi ring lider ng Agila, Bantay ng Bayan
      
     Good job Ka Maeng & members.