Ka Rex Cayanong Dart Tourney, sisiklab sa Antipolo

Ka Rex Cayanong Dart Tourney, sisiklab sa Antipolo

January 10, 2023 @ 2:47 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – Pinaghahandaan ng matitikas na darters mula sa iba’t-ibang barangay sa Antipolo ang 1st Ka Rex Cayanong Dart Tournament na inaasahang lalahukan ng 50 darters..

Kaya naman todo ensayo na ang mga darters para lahukan ang pa tournament ni veteran broadcast journalist Cayanong.

Nakataya ang P5,000 premyo kaya tiyak na magagandang laban ang masiisilayan.

Magbabakbakan  ang mga darters sa 501 doubles – Best of Five single knock-out habang ang organizers ay sina Eugene De Jesus at Criz ‘ Bok bok ‘ Zapanta.

Sasali rin ang Buo Brgy. San Isidro Antipolo City darters kung saan ay sinusuportahan ito ni Cayanong.

Ang nasabing palaro ni Cayanong ay upang makahanap at mahubog ang talento ng mga darters sa Antipolo at pagdating ng araw ay maging pambato ng Pilipinas sa mga international tournaments.

Karamihan sa mga makikipagtagisan ng galing ay mga taga Brgy. San Isdro at inaasahang sasali rin si Brgy. Captain Jojo Salen. ED