Ka Tunying, nasa ALLTV na!

Ka Tunying, nasa ALLTV na!

September 7, 2022 @ 8:17 AM 3 weeks ago


Manila, Philippines – Timing ang paglipat ng brodkaster na si Anthony Taberna sa AllTV.

Ang AllTV ay ang AMBS na pag-aari ni dating Senate President Manny Villar.

Pumirma ng kontrata ang kung tawagi’y si Ka Tunying nitong Martes.

Sinaksihan ito ni Villar, anak nitong si Senator Mark Villar at AMBS President na si Maribeth Tolenrino.

Timing nga ang pagpirma ni Anrhony sa bago niyang tahanan dahil sa September 8, Huwebes ay ipagdiriwang niya ang kanyang ika-30 taon sa broadcast industry.

Pabiro ngang hiningi ni Anthony ang ballpen na ginamit sa pagpirma dahil aniya’y mahal daw ito.

Sa tanang buhay daw niya ay noon lang siya nagkaroon ng contract signing ceremony.

“Ganito pala ang pakiramdam,” natutuwang sabi niya sabay pasasalamat sa AllTV dahil sa tiwalang ibinigay sa kanya.

Kahit nasa AllTV na, patuloy pa rin ang programa niyang Dos Por Dos kasama si Gerry Baja sa DZRH.

Huling napaulat si Anthony sa himalang pagiging isa nang cancer-free ng anak na si Zoey.

Dating nanilbihan si Anthony sa ABS-CBN bago lumipat sa DZRH.

Abangan ang iba pang mga personalidad na aanib sa Villar-owned network. Ronnie Carrasco III