Kaanak ng ‘missing sabungeros’ haharap muli kay Boying

Kaanak ng ‘missing sabungeros’ haharap muli kay Boying

January 12, 2023 @ 10:31 AM 2 weeks ago


MANILA, Philippines – Makikipag-pulong muli si Justice Secretary Crispin Remulla sa mga pamilya ng mga nawawalang sabungero.

Ayon kay Department of Justice spokesperson Assistant Secretary Mico Clavano, nakatakda ang pulong bukas, Enero 13 ng 10:00 ng umaga.

Layon nito na matalakay ang mga development sa kaso.

Magugunita nitong Disyembre 2022, una nang pinulong ni Remulla ang mga kaanak ng “missing sabungeros.”

Nangako ang kalihim na pabibilisin ang imbestigasyon sa mga nawawalang sabungero.

Batay sa datos ng Philippine National Police nasa 34 ang nawawalang sabungero. Teresa Tavares