Kaanak ng ‘missing sabungeros’ inalok ng P1M sa pag-abandona sa kaso

Kaanak ng ‘missing sabungeros’ inalok ng P1M sa pag-abandona sa kaso

August 23, 2022 @ 11:45 AM 1 month ago


MANILA, Philippines – Matapos ang mga napaulat na pagkawala ng mga sabungero halos kalahating taon na ang nakararaan, lumutang ang isa sa mga kamag-anak nito at inihirit ang muling pagbubukas ng imbestigasyon dito matapos umanong alukin siya ng P1 milyon kapalit ng pag-atras sa paghahanap sa kanyang kaanak.

“Yung nago-offer sa amin ng P1 million, gusto po namin malaman kung saan nanggagaling yung ganoong impormasyon,” anang isang kaanak.

“Pag tinanggap po namin ang P1 million, wala na raw po kaso, may pipirma raw po kaming waiver,” pagsisiwalat pa nito.

Nanawagan naman ang mga kaanak ng mga nawawalang sabungero kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tulungan sila sa kanilang hinaing.

Sa kabilang banda, pinalawak pa ng binuong task force na mag-iimbestiga sa isyu ang kanilang paghahanap.

Pagaganahin na rin ang Highway Patrol Group, Intelligence Group, Anti-Kidnapping Group, and Anti-Cybercrime Group na lalahok sa special investigation.

Tinitignan na rin ang pagkakasangkot ng isang personalidad matapos na mag-withdraw sa ATM ng isa sa mga nawawala. RNT