Kaanak nina Dargani, Ong nagpasaklolo sa CHR

Kaanak nina Dargani, Ong nagpasaklolo sa CHR

May 3, 2022 @ 6:35 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nagpasaklolo sa Commission on Human Rights (CHR) ang kaanak nina Pharmally Pharmaceutical Corporation executives Mohit Dargani at Linconn Ong kaugnay ng pagtuloy na pagkakapiit sa mga ito sa Pasay City Jail at sa trato sa kanila ng Senate officers.

Sa sulat na ipinadala kay acting CHR chairperson Leah Tanodra-Armamento noong Abril 28, inilahad ng in ani Dargani na si Deepa at asawa ni Ong na si Summer ang umano’y nararanasang paglabag sa karapatang pantao ng dalawa.

“We are appealing to your kind assistance, in accordance with the mandate given to your Commission by the Constitution, to address these issues which go to the very heart of basic rights afforded to every Filipino under our system of government,” saad sa liham.

Binanggit din nila ang diumano’y paghihigpit sa pag-access ng mga abogado nina Dargani at Ong sa pamamagitan ng pagpapataw ng mga hindi makatwirang kondisyon bago nila makita ang kanilang mga kliyente.

Pinagkaitan din daw ng nararapat na atensyong medical ang isa pang Pharmally executive na si Twinkle Dargani na diumano’y dumaranas ng mental health issues.

Tumanggi pa anila ang Senado na siya ay ma-confine sa ospital sa kabila ng payo ng kanyang doktor.

Matatandaang nakalabas sa kustodiya ng Senado si Twinkle matapos na magpositibo sa COVID-19 kung saan pinayagan siyang tapusin ang kanyang quarantine period sa kanilang tahanan sa Taguig City noong Enero 11.

Habang nakakulong pa rin sina Mohit Dargani at Ong sa Pasay City Jail kahit tapos na ang imbestigasyon ng Senate Blue Ribbon Committee hinggil sa kontrobersyal na kontrata ng Pharmally sa gobyerno sa pagbili ng mga COVID supplies.

“As Senator Gordon tries to boost his campaign at the expense of Linconn and Mohit, our repeated pleas for their release, even on house arrest, continues to fall on deaf ears,” saad pa sa sulat.

“We are appealing to your kind assistance, in accordance with the mandate given to your Commission by the Constitution, to address these issues which go to the very heart of basic rights afforded to every Filipino under our system of government,” dagdag nito.

Samantala, wala pang komento ukol dito sina Gordon at Senate Sergeant-at-Arms retired General Rene Sarmiento. RNT/ JCM