Kaarawan ni Marcos Sr., inalala nina PBBM, pamilya sa misa sa Libingan ng mga Bayani

Kaarawan ni Marcos Sr., inalala nina PBBM, pamilya sa misa sa Libingan ng mga Bayani

September 11, 2022 @ 4:00 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines- Pinasalamatan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga taong nakiisa sa pag-alala sa ika-105  kaarawan ng kanyang ama, ang dating Pangulong Ferdinand Edralin Marcos Sr. ngayong araw ng Linggo, Setyembre 11, 2022.

Dumalo ang pamilya Marcos kasama ang kanyang ina na si Unang Ginang Imelda Marcos, sa isang misa  para gunitan ang kaarawan ng namayapa at dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr. sa Libingan ng mga Bayani Sa Taguig City.

“Salamat sa taon-taon ninyong pagsama sa amin upang sariwain ang kanyang alaala at magpaabot ng inyong suporta. Makakaasa po kayo sa aking matapat at mahusay na paglilingkod upang matumbasan ang inyong tiwala at kumpiyansa,” sa Facebook post ni Pangulong Marcos.

Sa isang video na naka-post  naman sa  Facebook ng  Radio Television Malacañang , ipinaabot ni Pangulong Marcos ang kanyang taus-pusong pasasalamat sa “longtime supporters” ng pamilya Marcos na naglaan ng kanilang panahon para magbigay-galang  sa namayapang  Marcos Sr.

“I would prescribe on behalf of the Marcos family, to thank you all for joining us to commemorate once again the birthday of then President Ferdinand Marcos Sr.,” ayon kay Pangulong Marcos.

“Muli ang pasasalamat ko ay hindi lang para sa araw na ito pero sa taon-taong hindi niyo kami iniiwanan at sa taon-taon ninyo kaming sinusuportahan,” dagdag na pahayag nito.

Samantala, nangako naman ang Chief Executive na gagawin niya ang lahat ng kanyang makakaya sa kabuuan ng kanyang termino at isakatuparan ang nilalayon ng administrasyon para sa tinatawag na “better Philippines.”

“We do this to keep his [Marcos Sr.] plan. It is the rebirth of not perhaps the physical body of President Marcos Sr., but it is the rebirth of his dreams, of his wisdom, of his love for this country. So let us keep that flame alive. It is reborn. Let us keep it strong and fight. And let us guide through all that we do in the future in the service of our beloved Filipinos,” aniya pa rin.

Sa kabilang dako, ang iba pang dumalo para sa misa kay Marcos Sr., ay  mga kamag-anak, malalapit na kaibigan at dating  Presidential Security Group close-in officers.

Inaasahan naman na dadalo si Marcos Jr.  sa isang seremonya sa “Daytoy ti Bannawag” monument sa Batac City, Ilocos Norte,  ngayon ding araw.

Matatandaang, idineklara ng Malakanyang na  special non-working day sa Ilocos Norte para sa pagdiriwang ng birth anniversary ni Marcos Sr. Kris Jose