KAARAWAN NI MARIA

KAARAWAN NI MARIA

September 10, 2022 @ 3:37 PM 3 weeks ago


GINUNITA ng Saint Gregory the Great Parish sa Indang, Cavite ang Kaarawan o Araw ng Pagsilang kay Santa Maria noong Setyembre 8, 2022 sa pamamagitan ng isang Dawn Procession bandang alas-5 ng umaga na sinundan ng Banal na Misa ganap na alas-6:30 ng umaga.

Ang Dawn Procession mula sa Simbahan ay lumabas at dumaan sa Raymundo Jeciel Road, San Miguel Street, Francisco Balagtas Street at Hugo Ilagan Street pabalik ng Simbahan.

Pinangunahan ng Parish Priest na si Rev. Fr. Marty Dimaranan katuwang ang Assistant Parish Priest na si Rev Fr. Ned Peliña Nazareno ang Banal na Misa na dinaluhan ng mga kaanib ng iba’t-ibang religious organizations kagaya ng Legion of Mary, Kapatiran ng Flores De Mayo, Neo Catechumenate, Knights of Columbus at iba pa kasama ang sambayanan.

Nagkaroon din ng Harana kay Santa Maria matapos ang Banal na Misa kung saan ay dito inawit ang mga Marian Songs habang nag-aalay ng mga bulaklak katulad ng rosas ang iba’t-ibang religious organizations.

Matapos ang Dawn Procession at Banal na Misa, ang mga lingkod simbahan at religious organizations ay nagsagawa ng paminigay ng bigas sa ilang piling pinakamahihirap na kababayan sa Indang. Dumalaw at nagbigay din sila ng pagkain sa mga bilanggo na nakapiit sa Indang Municipal Jail na nasa Indang Municipal Police Station sa tabi ng Indang Municipal Hall.

Si Maria ay tinatawag ding Santa Maria, Inang Maria at Blessed Virgin Mary. Ayon sa Bibliya, taga Nazareth, Galilea ang mga magulang ni Santa Maria na sina Santa Ana at San Joaquin.

Bagama’t naging asawa naman ni Santa Maria si San Jose ngunit ito ay hindi nasipingan at nanatiling isang birhen na pinili ng Diyos upang maisilang ang manunubos na Panginoong Hesu-Kristo.