Kabataan Party-list kay PDu30: 2-week ‘health break’ sa Alert Level 3, ideklara

Kabataan Party-list kay PDu30: 2-week ‘health break’ sa Alert Level 3, ideklara

January 17, 2022 @ 8:34 AM 7 months ago


MANILA, Philippines – Inihihirit ng  Kabataan Party-list kay Pangulong Rodrigo Duterte na magpatupad ng dalawang linggong academic “health break” sa mga lugar na nasa ilalim ng Alert Level 3 o mas mataas pa.

Ito ay sa kabila ng nauna nang pagsuspinde ng klase at pagdeklara ng health break ng ilang Department of Education regional at division offices maging mga lokal na gobyerno bunsod ng pagtaas ng kaso ng COVID sa bansa.

Giit naman ng Kabataan Party-list, dapat pormal na iatas ito ng national government.

“The Omicron variant will surely make its way into more cities and provinces to cause surges in COVID-19 cases. This will affect the ability of students and teachers to continue with education which has already been difficult under Duterte’s anti-poor distance learning program,” pahayag ng grupo.

“In this light, Kabataan Party-list calls on President Duterte and the IATF to declare a two-week academic health break at all levels, public and private, in areas under Alert Level 3 or higher as may be designated by IATF in the coming days,” dagdag pa ng Kabataan Party-list.

Ang nasabing proposal ay kasunod ng pagsagawa ng nationwide online consultations ng partido kasama ang National Union of Students of the Philippines at Rise for Education Alliance, para pag-aralan ang mga pangangailangan ng mga estudyante kasunod ng pananalasa ni Odete at ng biglaang COVID-19 surge sa bansa.

 

Nakatakdang maghain ng resolusyon ang Kabataan Party-list sa House of Representatives at magpadala ng pormal na mensahe kay Pangulong Duterte, sa pandemic response task force, sa Commission on Higher Education, at Department of Education. RNT