Kabataan solon sa OVP: COVID test, E-Konsulta ba’t ‘di pinondohan?

Kabataan solon sa OVP: COVID test, E-Konsulta ba’t ‘di pinondohan?

September 22, 2022 @ 7:40 PM 1 week ago


MANILA, Philippines – Kinuwestyon ng Kabataan Party-list representative ang Office of the Vice President (OVP) kung bakit hindi nito pinondohan ang COVID-19 testing at online medical consultations na sinimulan ni dating vice president Leni Robredo.

Sa debate sa panukalang badyet para sa OVP ngayong Huwebes, hinangad ni Kabataan Rep. Raoul Manuel na malaman kung alam ng OVP ang mga proyektong pinasimulan ni Robredo sa kabila ng mas mababang badyet.

Bilang tugon, binigyang-diin ni Davao de Oro 1st District Rep. Maria Carmen Zamora, na nag-sponsor ng proposed budget ng OVP, na alam ng OVP kung ano ang ginawa ng mga nauna rito at ipagpapatuloy ang kanyang nasimulan.

Gayunpaman, ipinunto ni Manuel na ang kasalukuyang badyet ng OVP ay walang kasamang anumang bagay mula sa nakaraang administrasyon.

“Mr. Speaker, our distinguished sponsor has mentioned that the programs of the past OVP would be continued and increased even more. But Mr. Speaker, according to the list of projects under the Good Governance Programs under the current OVP, what we saw are Livelihood Programs, Libreng Sakay (free rides), and the provision of bags,” ani Manuel.

“We did not see there, Mr. Speaker, the diversity of programs that should have been continued. There are no COVID-19-related programs like testing, online consultation, assistance for vaccine distribution, community learning hubs, distance learning tools, and assistance to healthcare workers,” giit pa ni Manuel.

Ayon kay Zamora, gumagaling na ang bansa mula sa COVID-19 at dapat tumuon sa livelihood programs at economic recovery at sa Magnegosyo Ta “Day.

Bagama’t mukhang wala na ang Pilipinas sa COVID-19 pandemic, binanggit ni Manuel na ang DOH mismo ay nakapansin ng pagtaas ng bilang ng mga nagpositibo sa COVID-19.

“For example, Mr. Speaker, [in] the past few weeks, our COVID-19 positivity rate across the country has reached 14 percent. It is also far from the recommended level of the World Health Organization that we can handle, which should not exceed five percent. And then our booster shot update is still so low,” tugon ni Manuel.

“This is the reason why we are confused as to why the good programs initiated by the past Office of the Vice President cannot be seen in the current plans, Mr. Speaker,” aniya pa.

Sa kanyang anim na taon bilang bise presidente, nagpatupad si Robredo ng ilang programa laban sa kahirapan sa kabila ng pagkakaroon ng maliit na budget na hindi lalampas sa P1 bilyon.

Ang OVP sa ilalim ni Robredo ay nagbigay sa mga health worker ng personal protective equipment, dormitoryo, mainit na pagkain, tulong sa grocery, at libreng sakay sa bus sa panahon ng krisis sa COVID-19.

Pangunahing pinondohan ng mga donasyon at pribadong partnership ang OVP ni Robredo.

Nag-set din ang OVP ni Robredo ng telemedicine channel na tinatawag na Bayanihan E-Konsulta para sa mga lokal na pamahalaan at negosyo. RNT