Kabayan, balik-TV na!

Kabayan, balik-TV na!

January 8, 2023 @ 9:33 AM 1 month ago


Manila, Philippines – Muling mapapanood ng sambayanang Pilipino si Kabayan Noli de Castro sa TV Patrol upang maghatid ng mga nagbabagang balita simula sa Lunes (Enero 9).

Ihahatid ni Kabayan ang pinakahuling balita sa selebrasyon ng ‘Nazareno 2023’ nang live mula sa Quirino Grandstand.

“Magkita-kita tayo sa Lunes. Live ho ako sa Quirino Grandstand para sa TV Patrol,” ayon kay De Castro.

Makakasama ni Kabayan sina Henry Omaga-Diaz, Karen Davila at Bernadette Sembrano sa paghahatid ng balita sa mga Pilipino saan man sa mundo. Patuloy rin siyang mapapanood sa kanyang public service show na “Kabayan” at ng morning newscast na “TeleRadyo Balita” kasama si Joyce Balancio sa TeleRadyo. Mercy Lejarde