Kabayanihan ng SAF 44, ginunita sa Bulacan

Kabayanihan ng SAF 44, ginunita sa Bulacan

January 25, 2023 @ 5:23 PM 1 week ago


Malolos, Bulacan – Ginunita ang pag-aalay ng buhay ng mga bayaning pulis na SAF-44 na nakapatay sa terorista sa operasyong tinawag na codenamed Oplan Exodus sa Tukanalipao, Mamasapano noong Enero 25, 2015.

Ang Pambansang Araw na pag-alala ay may temang “Legacy of Heroes: Inspiration for future generations” na ginanap mismo sa Bulacan Police Provincial Office nitong Miyerkules, Enero 25, taong kasalukuyan.

Pinangunahan ni Bulacan Police director PCol. Relly Arnedo ang wreath-laying ceremony kasama ang kapatid ng namayapang si PO3 Junrel Kibete, SAF 44 member na si Rey Kibete.

Sinasabing si PO3 Kibete ang mismong nakapatay sa Malaysian terorist at bomb maker na si Zulkifli bin Hir, alyas Marwan, walong taon ang nakalipas.

Kaugnay nito, nagparating naman ng taus-pusong mensahe si chief PNP, PGEN Rodolfo Azurin habang si Arnedo ay nagsabing hindi malilimutan ang katapangan at pagiging makabayan ng mga bayaning SAF 44 nagbuwis ng buhay para sa bayan. Dick Mirasol III