Kabit ni Brad Pitt, mautak!

Kabit ni Brad Pitt, mautak!

September 16, 2020 @ 12:02 PM 6 days ago

  •  
  •  
  •  

Berlin, Germany – Ibang klase pala talaga ang ‘open marriage’ relationship nina Nicole Poturalski, 27, at Roland Mary, 68. Si Nicole ay ang napapabalitang girlfriend ni Brad na isinama nito recently sa Chateaux Miraval (sa France) na pag-aari pa rin ng aktor at ng ex niyang si Angelina Jolie.

Sa Berlin, Germany naninirahan ang mag-asawa at may pangmayaman na restoran du’n si Roland na ang pangalan ay Borchardt. Isa lang ‘yon sa mga upscale restaurants na pag-aari ni Roland sa Germany.

Si Nicole ay isang sikat na fashion model sa Germany kahit may asawa’t anak na siya.

Alam ng asawa ni Nicole ang pakikipag-date niya kay Brad at ang sagot nito nang tanungin ng ilang media tungkol du’n ay simpleng, “No comment!”

May malalapit na kaibigan ang mag-asawang Nicole at Roland na nagpahayag  na ang pagpayag ng mag-asawa na makipag-date sila sa iba ay bahagi ng kanilang ‘open marriage.’

Hindi nila itinuturing na pagtataksil sa isa’t-isa ang pakikipag-date sa iba kahit na sa ibang bansa pa ginawa ang date.

Maaaring si Nicole ang kauna-unahang babaeng pinakasalan ni Roland na pumayag sa ganu’ng istilo ng pagsasama. Sa totoo lang, limang asawa na ang nadiborsyo ng mayamang si Roland. Walong taon na silang kasal ni Nicole at may anak silang eight years old na (at ito’y isang batang lalake).

Samantala, ngayon pa lang ay pinag-uusapan na sa Berlin at sa Los Angeles, California (kung saan naninirahan si Brad) na hindi lang pala romantic date ang nangyari kina Brad at Nicole sa Chateaux Miraval. Parang may business deal din ‘yon na kalahok.

Ang isa pang dahilan ng pakikipag-date ni Brad kay Nicole ay para maipakita ang kanilang pagawaan ng alak na ang brand ay Château Miraval Rosé Provence

na nasa loob ng real estate na pag-aari pa rin hanggang ngayon ng dating mag-asawa.

FYI, ang diborsyo nina Brad at Angelina ay nakabimbin pa rin sa husgado sa Los Angeles. Mukhang ‘di pa nila lubusang napaghahatian ang kanilang conjugal properties.

Kaya naman napag-alaman ng media na mukhang may business aspect ang pagpunta nina Brad at Nicole sa Chateaux Miraval ay dahil may mga naglabasang litrato na kuha sa loob ng Borchardt restaurant kung saan ay ino-offer ang alak na produkto ng aktor at ni Angelina.

Ayon sa  ulat sa isang website:  “According to recent photos taken of the menu, Borchardt has begun to offer Pitt and ex-wife Angelina Jolie’s Château Miraval Rosé Provence.

“‘For lunch we offer you this exceptional wine by the glass,’ the menu reads.”

O ‘di ba, ibang klaseng babae talaga ang girlfriend ni Brad Pitt? Danny Vibas


  •  
  •  
  •  

Loading...