Kabubukas pa lang na shopping center sa Mexico, gumuho!

Kabubukas pa lang na shopping center sa Mexico, gumuho!

July 13, 2018 @ 11:23 AM 5 years ago


 

Mexico, City – Gumuho ang bahagi ng luxury shopping center sa Mexico City kahapon (July 12) kung saan nagpaulan ito ng mga bato at nagsaboy ng mga alikabok sa paligid.

Kitang kita ito sa mga litrato ang pinsalang tinamo ng building habang wala namang naitalang namatay o sugatan sa nangyaring insidente.

Ayon sa ulat, ang shopping center na tinawag na Artz Pedregal na matatagpuan sa kapitolyo ng Mexico ay kabubukas lamang noong March.

Newly opened Artz Pedregal Shopping Mall in Mexico City

Ayon kay Mexico City’s head of civil protection Fausto Lugo ang dahilan umano ng pagguho ay dahil sa konstruksyon ng shopping center ngunit kailangan pa rin daw itong  imbestigahan ng mga eksperto.

Tatlong dahilan naman ang tinitignan ng mga eksperto sa nangyaring insidente: ‘design, construction or materials’.

Dagdag pa ni Fausto, kumpleto naman ang mga permits ng naturang establisyimento.

Nagtalaga ang mga Mexican planning officials ng building code na may mahigpit na safety standards matapos ang lindol na sumira sa daan-daang building sa Mexico City noong 1985.

Ngunit kahit na ganoon, nang tumama ang 7.1 magnitude na lindol noong September, nag-iwan pa rin ito ng dose-dosenang gumuhong building at pumatay sa nasa 370 indibidwal sa kapitolyo at sa labas ng estado na siyang nag-alarma sa ‘construction code and practices’ ng Mexico. (Remate News Team)