Kadakilaan ng atleta kikilalanin sa Libingan ng mga Bayani

Kadakilaan ng atleta kikilalanin sa Libingan ng mga Bayani

August 18, 2022 @ 12:08 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inihain ni Surigao Rep. Robert Ace Barbers ang panukalang batas na nagsusulong na mabiling sa Libingan ng mga Bayani ang mga bayani sa larangan ng isports.

Sa pamamagitan ng House Bill 3716, sinabi ni Barbers na ang isa sa pagkilala sa kadakilaan at pagsisikap ng isang atleta ay ang maging huling hantungan nila ang Libingan ng mga Bayani.

“Sports stars become heroes when they are admired for their  athletic accomplishments. As a society, we yearn to feel a connection to them, bask in their success, and pattern our lives after them”, ayon kay Barbers na tumukoy din sa ilang naging pahayag ni Joseph Hastings sa pinahuling artikulo nito.

“Filipino sports icons have this amazing, unique way of making a positive impact in our society. They are our source of inspiration and strength in direst situations and serve as   good role models, especially to the youth. With their incredible achievements that brought honor to our country, they deserve a spot at the Libingan ng mga Bayani”, dagdag pa ng kongresista.

Nakapaloob sa panukala na mapahintulutan ang mga itinuring na “sport heroes” sa   Libingan ng mga Bayani matapos makapagbigay ng parangal, medalya at pagkilala mula sa iba’t ibang palaring sinalihan sa buong mundo.

Batay sa HB 3716 ang “Sports Heroes” ay ang mga  Filipino athletes na nagtataglay ng mga katangian at katapatan na nagsipagwagi ng medalyang ginto sa Southeast Asian Games, silver medal sa Asian Games o Asian Cup,  bronze medal sa Olympic o World Games, o naging world champion sa anumang professional sports competition.

“I hope that it is not too late to honor our sports heroes like Lydia de Vega. This measure is but a token of gratitude that we all enormously owe her and our other unsung sports heroes”, ayon pa rin kay  Barbers.MELIZA MALUNTAG