Kadiwa caravan, magpapatuloy pagkatapos ng Kapaskuhan – PBBM

Kadiwa caravan, magpapatuloy pagkatapos ng Kapaskuhan – PBBM

December 1, 2022 @ 2:36 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kahit tapos na ang Kapaskuhan ay magpapatuloy pa rin ang implementasyon ng Kadiwa ng Pasko project.

Kinilala ni Pangulong Marcos Jr.  ang kahalagahan na mag-alok ng abot-kayang halaga ng produkto sa mga Filipino consumers.

Sa isinagawang  Kadiwa ng Pasko caravan sa Quezon City, hangad ni Pangulong Marcos na makipag- tie-ups sa local government units (LGUs) upang matiyak ang tagumpay ng proyekto.

“Magtutulungan na ang Office of the President (OP) at ang ating mga LGU para lahat dahan-dahang kumakalat ang dami nito. Kaya’t ‘yan po ang ating dapat ipagpatuloy ,” ayon kay Pangulong Marcos.

“At masasabi ko na kahit pagkatapos na ng New Year ay hindi naman namin ititigil ‘yung Kadiwa ng Pasko. Patuloy nang patuloy na ‘yan. Hangga’t maaari ay patuloy ang Kadiwa para naging national program, para lahat ng buong Pilipinas ay makikita naman nila at makakatikim naman sila nung savings doon sa kanilang mga binibili ,” dagdag na wika nito.

Inisyatiba ng Office of the President (OP) at sa pangunguna ng  Department of Agriculture,  pormal na inilunsad ang  Kadiwa ng Pasko project noong Nobyembre 16 para i- promote  ang “affordable at high-quality products.”

Binibigyan ng programa ang mga consumers ng oportunidad na makabili ng mas abot-kaya sa bulsa na goods o produkto at matulungan ang local agricultural producers at maging ang micro, small and medium enterprises (MSMEs).

Inulit naman ni Pangulong Marcos, mag-aalok ang pamahalaan ng mas murang halaga ng bigas o P25 kada kilo.

Ang Kadiwa ng Pasko program, ayon kay Pangulong Marcos ay ang  “good” Christmas gift ng kanyang administrasyon sa mga mamamayang Filipino.

“Kaya’t palagay ko ay maging magandang pamasko,” ayon sa Pangulo sabay sabing, “I hope it is the gift that keeps on giving. And that is what we have been working towards.”

Pinasalamatan naman ng Punong Ehekutibo ang lahat ng  Kadiwa caravan partners at participants, kabilang na ang Quezon City LGU na nagsilbing government model sa implementasyon ng naturang proyekto.

“Maraming, maraming salamat sa inyong lahat sa inyong pakikilahok. Nagtutulungan po tayo. Kailangan po talaga tayong magtulungan, makahanap ng paraan na tayo ay magkasama. Tayo pagka sabay-sabay ang ating galaw, kahit na anong gugustuhin natin, kahit na ano na ating pinapangarap ay makakamtan po natin,” ayon sa Punong Ehekutibo.

Sa kabilang dako, umaasa naman si Pangulong Marcos na magiging matatag ang presyo ng mga pangunahing bilihin sa  local markets  sa  first quarter ng  2023.

Layon aniya ng Kadiwa project na baguhin ang presyo, sa oras na ang presyo sa mga pamilihan ay maging “the same as what we can give in the Kadiwa [caravan].”

“Once we get to a point where it’s no longer necessary, where the prices in the markets are the same as what we can give in the Kadiwa, then we don’t need the Kadiwa anymore. Maybe [we’ll implement the project] just for distribution para sa mga [to those in] far-flung areas,” ayon sa Pangulo.

“But we’re not yet there at that point, pinapakalat lang natin  around the country right now. As it stands right now, in terms of supply, we’re okay until at the very least, February, March of next year. Hopefully by then, the prices of commodities in the market will have normalized,”  dagdag na pahayag nito.

Inilunsad ang Kadiwa ng Pasko project  upang tuguan ang  inflation at pagsirit ng presyo ng mga pangunahing bilihin na may kaugnayan sa sa Kapaskuhan.

Nagbibigay ito ng isang “direct farm-to-consumer food supply chain to eliminate several marketing layers and help boost the income of local agricultural producers.”

Ang  caravan ay ipinatutupad sa pakikipagtulungan sa DTI, DILG,  DSWD at  DOLE. Kris Jose