Kadiwa ng Pangulo sa Bicol, kumita ng P1.2M

Kadiwa ng Pangulo sa Bicol, kumita ng P1.2M

March 19, 2023 @ 10:10 AM 1 week ago


MANILA, Philippines – Kumita ng nasa P1.2 milyon ang kauna-unahang Kadiwa ng Pangulo center sa Bicol Region mula nang ilunsad ito, ayon sa Presidential Communications Office nitong Linggo, Marso 19.

Ang naturang outlet na matatagpuan sa Pili, Camarines Sur, ay kumita na ng kabuuang P1,212,074.

Sa nasabing halaga, P431,162 ang naitala sa unang araw nito habang P780,912 naman ang kinita sa ikalawang araw.

Samantala, ang Kadiwa stall sa Cebu City ay nakapagbenta naman ng halagang P931,329.

Hanggang sa kasalukuyan ay nakapaglunsad na ang administrasyong Marcos ng mahigit 500 outlets ng Kadiwa sa buong bansa.

Nauna nang sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na tututukan ng pamahalaan ang pagkakaroon ng Kadiwa stalls sa iba’t ibang lugar sa bansa upang matugunan ang krisis sa pagkain at mataas na presyo ng mga bilihin. RNT/JGC